Ano ang Paghihinuha? (Making Inferences)
Tingnan ang larawan.
- Nasaan kaya sina Lino at Saya?
- Ano ang ginagawa nila?
- Paano mo nalaman?
Posibleng sagot:
Nasa paaralan sina Lino at Saya. Nakikinig sila sa kanilang guro.
Mga pahiwatig: May chalkboard sa likod. Nakaupo sila sa armchair. Nakasuot sila ng uniporme.
Ano ang paghihinuha?
Ang paghihinuha ay paghula nang may matalinong basehan gamit ang mga nakikita at ang alam mo na.
Mag-isip tulad ng isang mambabasa
- Hanapin ang mga pahiwatig
- Isipin ang mga alam mo na
- Bumuo ng matalinong sagot
Halimbawa
Ano ang nakikita mo? Ano sa tingin mo ang nangyari? Paano mo nalaman?
Mga pahiwatig:
- may mga natanggal na bahagi ang laruan
- nakakunot ang noo niya at nakabuka ang bibig
Kapag ang isang bagay ay may mga natanggal na bahagi, karaniwang sira ito. Kapag nasira ang ating gamit, pwedeng malunkot o mag-alala ang may hawak nito. Kapag ang tao ay nakakunot ang noo, karaniwang malungkot ito o nag-aalala.
Paghihinuha:
Nag-aalala si Lino dahil nasira ang kaniyang laruan.
Subukan mo
Tingnan nang mabuti ang larawan at sagutin ang mga tanong.
- Ano ang nakikita mo?
- Ano ang ginagawa ni Saya?
- Ano sa tingin mo ang nangyayari?
- Anong mga pahiwatig ang ginamit mo?
Mga pahiwatig:
- may tubig sa sahig
- nakataas ang mga kamay, nakabuka ang bibig niya at nakatagilid ang katawan
Aking kaalaman:
Kapag may tubig sa sahig, maaaring madulas ang tao. Kapag nadudulas, maaaring mawalan ng balanse at matumba. Kapag natutumba, karaniwang napapataas ang kamay at napapasigaw kaya nakabuka ang bibig.
Posibleng sagot:
Nadulas si Saya dahil sa tubig sa sahig.
Mga Resources
Subukan ang mga printable na ito:
- Beginner: Picture-Based Inference
- Beginner: Picture-Based Inference (Set 2)
- Developing: Text-Based Inference
- Developing: Text-Based Inference (Set 2)
- Intermediate: Picture-Based
- Intermediate: Picture-Based (Actions & Feelings)
- Intermediate: Text-Based Inference
- Intermediate: Text-Based Inference (Set 2)
- Intermediate: Guided Picture-Based Inference
- Intermediate: Picture-Based Inference (Explain Answers)
- Intermediate: Guided Picture-Based (Set 2)
- Intermediate: Picture-Based (Set 2)
- Advanced: Guided Text-Based Inference
- Advanced: Text-Based Inference
We offer one-on-one tutoring for Preschool to Grade 12.
Math • English • Science • Filipino • Araling Panlipunan
Message Me to Book a Session




No comments:
Post a Comment