Pagtukoy ng Direksiyon (Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran) – Araling Panlipunan Lesson and Activities
Si Lino ay nasa gitna.
Tingnan ang larawan.
- Ano ang nasa itaas ni Lino?
- Ano ang nasa ibaba ni Lino?
- Ano ang nasa kaliwa ni Lino?
- Ano ang nasa kanan ni Lino?
Sagot:
Itaas: Paaralan
Ibaba: Palengke
Kaliwa: Tindahan
Kanan: Simbahan
Nakuha mo ba? Magaling! Natukoy natin ang lokasyon ng mga lugar gamit ang mga salitang itaas, ibaba, kaliwa, at kanan.
Ngunit paano kung titingnan natin ang isang mapa? Sa mga mapa, karaniwang ginagamit ang mga salitang Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran upang mas malinaw na matukoy ang lokasyon ng mga lugar.
Ang mga salitang ito ay tinatawag na mga direksiyon.
Ano ang Direksiyon?
Ang direksiyon ay nagsasabi kung saan matatagpuan ang isang tao, bagay, o lugar. Ginagamit natin ang direksiyon kapag nagbabasa ng mapa, nagbibigay ng panuto, o hinahanap ang isang lugar.
Kapag gumagamit tayo ng mapa, hindi sapat na sabihing nasa itaas, ibaba, kaliwa, o kanan ang isang lugar. Mas malinaw kung gagamit tayo ng mga direksiyon.
May apat na pangunahing direksiyon:
- Hilaga
- Timog
- Silangan
- Kanluran
Ang araw ay sumisikat sa Silangan.
Kung nakaharap ka sa Silangan:
- Ang Silangan ay nasa harap mo.
- Ang Kanluran ay nasa likod mo.
- Ang Hilaga ay nasa kaliwa mo.
- Ang Timog ay nasa kanan mo.
Halimbawa 1: Hilaga
|
| Ang paaralan ay nasa hilaga ng bahay. |
Tanong: Nasaan ang paaralan kung ihahambing sa bahay?
Sagot: Ang paaralan ay nasa itaas o hilaga ng bahay.
Halimbawa 2: Timog

Ang palengke ay nasa timog ng bahay.
Tanong: Nasaan ang palengke kung ihahambing sa bahay?
Sagot: Ang palengke ay nasa ibaba o timog ng bahay.
Halimbawa 3: Kanluran

Ang tindahan ay nasa kanluran ng bahay.
Tanong: Nasaan ang tindahan kung ihahambing sa bahay?
Sagot: Ang tindahan ay nasa kaliwa o kanluran ng bahay.
Halimbawa 4: Silangan
Ang simbahan ay nasa silangan ng bahay.
Tanong: Nasaan ang simbahan kung ihahambing sa bahay?
Sagot: Ang simbahan ay nasa kanan o silangan ng bahay.
Subukan Natin
Tingnan ang mapa.

- Nasaan ang ospital kung ihahambing sa bahay?
- Nasaan ang palaruan kung ihahambing sa bahay?
- Nasaan ang aklatan kung ihahambing sa bahay?
- Nasaan ang parke kung ihahambing sa bahay?
Tamang sagot:
- Ang ospital ay nasa hilaga ng bahay.
- Ang palaruan ay nasa timog ng bahay.
- Ang aklatan ay nasa kanluran ng bahay.
- Ang parke ay nasa silangan ng bahay.
Pagsunod sa Direksiyon
Mahalaga ring marunong tayong sumunod sa direksiyon. Ginagamit ito kapag may pupuntahan tayo o kapag sumusunod tayo sa mapa.
Si Saya ay nasa gitna.
Tingnan ang mapa. Sagutin ang mga tanong.
- Naglakad si Saya pahilaga. Anong lugar ang narating niya?
- Naglakad si Saya patimog. Anong lugar ang narating niya?
- Naglakad si Saya pakanluran. Anong lugar ang narating niya?
- Naglakad si Saya pasilangan. Anong lugar ang narating niya?
Tamang sagot:
- Narating niya ang parke.
- Narating niya ang palaruan.
- Narating niya ang karinderya.
- Narating niya ang barangay hall.
✔ Ang kabaligtaran ng Hilaga ay Timog.
✔ Ang kabaligtaran ng Silangan ay Kanluran.
✔ Ang araw ay sumisikat sa Silangan.
✔ Ginagamit ang direksiyon upang matukoy ang lokasyon ng mga lugar.
Subukan Mo
Sagutin ang mga tanong.
- Saang direksiyon sumisikat ang araw?
- Ano ang kabaligtaran ng hilaga?
- Ano ang kabaligtaran ng silangan?
- Kung ang paaralan ay nasa itaas ng bahay sa mapa, anong direksiyon ito?
- Kung ang palengke ay nasa ibaba ng bahay sa mapa, anong direksiyon ito?
Tamang sagot:
- Silangan
- Timog
- Kanluran
- Hilaga
- Timog
Mas Mahirap
Sa bahaging ito, hindi lang bahay ang magiging batayan. Basahin ang mapa at tukuyin ang direksiyon ng iba’t ibang lugar.
Gamitin ang mapa upang sagutin ang mga tanong.
Sagutin:
- Ano ang nasa hilaga ng palengke?
- Ano ang nasa timog ng paaralan?
- Ano ang nasa silangan ng karinderya?
- Ano ang nasa kanluran ng simbahan?
- Ano ang nasa hilaga ng health center?
- Ano ang nasa timog ng barangay hall?
- Ano ang nasa silangan ng tindahan?
- Ano ang nasa kanluran ng palengke?
Tamang sagot:
- Bahay
- Tindahan
- Bahay
- Bahay
- Simbahan
- Bahay
- Bahay
- Palaruan
Pinakamahirap Pero Kaya Pa Rin
Gumawa ng sariling mapa.
Gumuhit ng bahay sa gitna. Pagkatapos, sundin ang mga panuto:
- Iguhit ang paaralan sa hilaga ng bahay.
- Iguhit ang palengke sa timog ng bahay.
- Iguhit ang simbahan sa silangan ng bahay.
- Iguhit ang tindahan sa kanluran ng bahay.
👉 Pagkatapos gumuhit, subukang gumawa ng sariling mga tanong tungkol sa mapa.
Natutuhan mo na ang apat na pangunahing direksiyon: Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran.
Sa susunod na aralin, pag-aaralan naman natin ang mga direksiyong nasa pagitan ng mga ito, tulad ng Hilagang-Silangan, Hilagang-Kanluran, Timog-Silangan, at Timog-Kanluran.
Resources
Practice the lesson with these printable Pangunahing Direksiyon worksheets and activities.
Beginner Worksheets
- Pangunahing Direksiyon L1A – Kusina
- Pangunahing Direksiyon L1B – Sala
- Pangunahing Direksiyon L1C – Grocery Store
- Pangunahing Direksiyon L1D – Grocery Store 2
- Pangunahing Direksiyon L1E – Hardware Store
- Pangunahing Direksiyon L1F – Family in the Mall
Map and Challenge Activities
Nag-aalok kami ng one-on-one tutoring para sa iba't ibang asignatura.
Message Me


Comments
Post a Comment